FEU, bigong masungkit ang ikatlong panalo kontra Letran
FEU Advocate
August 08, 2022 11:30

Hindi naging matagumpay ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos kulangin ng dalawang puntos sa dikdikang laban kontra Colegio de San Juan de Letran (CSJL) Knights, 70-72, upang makamtan ang ikatlong sunod na panalo sa 2022 Filoil EcoOil Preseason Cup na ginanap sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City noong Agosto 7.
Palitan ang sagutan ng Tamaraws at Knights matapos magkaroon ng 20 lead changes sa pagitan ng dalawang koponan sa kabuuan ng laro.
Nakalamang ang Morayta-based cagers sa huling pagkakataon sa tulong ng 3-point shot ni Xyrus Torres, 70-69, ngunit nagpakawala rin ng isang trey si Neil Guarino ng Letran na nagbigay ng pagkapanalo sa koponan ng Intramuros.
Bumaba ang green-and-gold squad sa 2-3 win-loss record na naglagay sa kanila sa pang-anim na puwesto sa team standings.
Ipinahayag naman ni FEU Head Coach Olsen Racela na marami pa silang kailangan ayusin at trabahuhin lalo na sa endgame ng kanilang mga laro.
“Minsan, ganoon ang basketball eh, either you get the breaks or you don’t get the breaks in the endgame so kanina lumamang kami tapos lumamang sila, hindi mo rin sila masisisi eh (Minsan, ganoon ang basketball eh, maalin ‘yan sa makukuha niyo ‘yung preno o hindi niyo makuha ‘yung preno sa endgame at kanina lumamang kami tapos lumamang sila, hindi mo rin sila masisisi eh),” ani Coach Racela.
Nalimitahan din ang Tamaraws sa 11 na manlalaro nang hindi makadalo ang ilang miyembro ng koponan matapos magkasakit. Kabilang dito ang kapitan na si LJay Gonzales, Bryan Sajonia, at Menard Songcuya.
Pinangunahan ni Torres ang undermanned Tamaraws na gumawa ng 18 puntos at walong rebounds.
Nagtala rin sina Rodel Gravera ng 13 puntos, Royce Alforque ng 12 puntos, at James Tempra na may walong puntos para sa koponan ng Morayta.
Susubukan ng FEU Tamaraws na muling makakuha ng panalo laban sa Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers sa nasabing lugar sa Agosto 14.
-Ma. Katlene R. Angcanan
(Litrato ni Apollo F. Arellano/FEU Advocate)
Other Stories

A lesson on elections: a voter’s civic duty
May 25, 2022 06:20

AFP holds its 3rd Social Media Summit
July 17, 2016 17:01

Coach Denok looks into FEU’s flat start with second loss against NU
October 04, 2023 08:12

Coach Salak sees potential in young FEU team amid loss to NU
April 16, 2023 13:29

Gov’t calls for CPP-NPA suspects' accountability behind Masbate landmine incident
June 11, 2021 20:35

What I Drink
July 26, 2023 06:32

TV 5 promotes ‘Bilang Pilipino 2016’
February 07, 2016 21:41

‘Review and uphold standards’: Hugo calls amid controversial plagiarism issue
July 15, 2022 04:41

Panaghoy ng Mindoreño: Lumpong Kabuhayan sa Naghihingalong Karagatan
May 27, 2023 18:47

Sa Aking Pagsadlak
January 11, 2024 09:31