FEU tuluyang nilaglag ang UP, Tams pasok sa semis
FEU Advocate
August 25, 2022 01:21

Umabante ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa semi finals matapos patumbahin ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 72-63, sa kanilang quarterfinals match up sa 2022 Filoil EcoOil Preseason Cup na ginanap sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City noong Agosto 23.
Palitan ang ipinakitang opensa at depensa ng Tamaraws at ng kasalukuyang kampeon ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament sa unang bahagi ng laro.
Agad namang nakahabol ang UP cagers upang bumuo ng 10 puntos na kalamangan sa ikatlong canto, 35-45.
Sa pagpasok ng ikaapat na quarter, mas gumanda ang depensang ipinamalas ng green-and-gold squad at binawi ang point advantage para masungkit ang pagkapanalo.
Sa isang panayam, ibinahagi ni FEU Head Coach Olsen Racela na malaking bagay din na wala ang ilang bigating manlalaro ng Fighting Maroons na sina Carl Tamayo, Zavier Lucero, at Henry Galinato na nangunguna para sa koponan ng Katipunan.
“Malaking bagay sa kanila ‘yung tatlong bigs [Tamayo, Lucero at Galinato] na ‘yun eh… A lot of things we need to work on, but of course we’re very happy with the way our team competed (Marami kaming kailangang pagsikapan, ngunit siyempre masaya kami sa paraan kung paano lumaro),” ani Coach Racela.
Tinanghal si Bryan Sajonia na top scorer ng Morayta-based squad sa ginawa nitong 16 puntos.
Tinulungan din si Sajonia ni FEU team captain LJay Gonzales na lumikha ng 13 puntos, 10 rebounds, at tatlong assists. Samantala, nagtala din si Royce Alforque ng 13 puntos.
Sa isang panayam, sinabi ni Gonzales na ang kanilang depensa kontra UP ang isa sa mga naging dahilan sa pagkamit ng huling semis ticket sa liga.
“Siguro para sa akin nagsimula ‘yun sa defense (depensa) namin. Kasi ‘yun ang palaging sinasabi ng coaches namin na depensahan hanggang sa dulo kaya siguro ‘yun ang kinalabasan ng game,” ani Gonzales.
Nagpakitang gilas din ang bagong reinforcement na si Patrick Tchuente sa kanyang preseason debut at nagtala ng 11 puntos at walong boards sa kabuuan ng laro.
Muling kakalabanin ng FEU Tamaraws ang De La Salle University (DLSU) Green Archers para sa semi finals ng liga sa Agosto 25 na gaganapin sa parehong venue.
-Ma. Katlene R. Angcanan
(Litrato ni Alyssa Andrea Quiogue/FEU Advocate)
Other Stories
FEU’s Tolentin scores 2 to keep undefeated record
April 13, 2024 11:14
FEU CommSoc to open voter’s education webinar for Halalan 2022
September 10, 2021 09:03
FEUCSO, ISCs call for academic recovery period
October 15, 2021 07:52
FEU drummer shines in local and international competitions for his senior year
January 14, 2021 09:55
Bali-Baling Balarila
August 12, 2023 07:02
IE opens new graduate programs
July 07, 2021 04:23
FEU debate team triumphs in PIDC Sinag Cup Grand Finals
August 16, 2021 03:54
A lesson on elections: a voter’s civic duty
May 25, 2022 06:20
Tanagas of Love Languages
February 14, 2021 12:00
FEU’s Darryl Digal wins UAAP logo contest
December 27, 2021 09:04