FEU umabante sa Finals, nakabawi kontra DLSU
FEU Advocate
August 27, 2022 05:01

Ni Aimerose C. Atienza
Matagumpay na nakapasok sa finals ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws matapos sungkitin ang panalo laban sa De La Salle University (DLSU) Green Archers, 71-67, sa kanilang overtime semi finals game sa 2022 Filoil EcoOil Preseason Cup na ginanap sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City, Agosto 25.
Matatandaang natamo ng Tamaraws ang kanilang unang pagkatalo sa opening game kontra DLSU ng Group B eliminations, 49-65, sa nasabing liga noong Hulyo 23.
Sa unang tatlong quarters ng laro, nakuha ng Archers ang kalamangan, ngunit hindi tuluyang nakalayo dahil sa ipinamalas na opensa ng Morayta-dribblers na nagresulta sa overtime match sa huling canto, 61-61
Nakamit ng FEU ang huling tiket patungong finals sa tulong ng apat na puntos na ginawa ni Xyrus Torres sa huling 1:06 marka ng laban.
Sa isang panayam, ibinahagi ni FEU Head Coach Olsen Racela na bagaman nakadidikit ang koponan sa kabuuan ng laban, may mga bagay pa rin silang kailangang ayusin tulad ng kanilang turnovers na umabot sa 21 sa laban kontra DLSU.
“All throughout the game, we were just staying close although may mga turnovers kami during the game na kailangan namin iimprove (Sa kabuuan ng laro, nakakadikit lang kami kahit na may mga turnovers kami sa laro na kailangan pa namin ayusin),” ani Coach Racela.
Pinangunahan ni Patrick Tchuente ang koponan ng Morayta nang makapagtala ito ng 19 na puntos, walong boards, at tatlong blocks na nagresulta sa 75% shooting efficiency.
Malaking tulong din ang binigay ng dalawang veteran guards ng FEU na sina Team Captain LJay Gonzales na may 13 puntos, siyam na rebounds, at siyam na assists at Royce Alforque na gumawa ng 10 puntos, tatlong boards, at tatlong dimes para sa Tamaraws.
Makakaharap ng FEU Tamaraws ang National University (NU) Bulldogs at susubukang sungkitin ang kampeonato ng preseason cup sa parehong venue sa Agosto 27.
(Litrato ni Janice Aina Herrera/FEU Advocate)
Other Stories

Who is FEU’s new King Tamaraw?
September 17, 2018 07:00

Lady Tams’ better defense brings first win against UE
October 06, 2022 02:11

‘Virtual’ Labor Day protests, inilunsad sa gitna ng COVID-19 pandemic
May 02, 2020 09:39

Manila chief inquest prosecutor, FEU Law '91 alumnus dies in ambush
July 11, 2020 12:20

WRP launches culminating activity, offers additional credit hours
October 17, 2023 11:29

Kaputu tallies new career-high in losing effort vs UST
November 15, 2023 04:59

FEU emergency measures lead to furloughing of staff
September 26, 2020 08:30

FEU suffers 8th loss on AdMU's late run
November 20, 2022 13:01

PRESS RELEASE: Lazada and Cignal TV team up to bring Shoppertainment to the UAAP
September 26, 2022 07:26

The Tamaraw Story Before Graduation
July 26, 2023 05:35