FEU umuwing bigo sa 5-set match kontra AdMU
FEU Advocate
August 27, 2023 11:04

Hindi nagtagumpay ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws na masungkit ang pangalawang panalo matapos talunin ng Ateneo de Manila University (AdMU) Blue Eagles, 22-25, 23-25, 25-18, 25-23, 13-15 sa men’s division ng 2023 V-League Collegiate Challenge kaninang hapon, Agosto 27, sa Paco Arena sa Manila City.
Tuloy-tuloy ang naging bakbakan at dikit na labanan ng dalawang koponan sa unang set pa lamang ng laro. Patuloy na humabol ang Morayta-based spikers upang makalamang sa puntos matapos lumikha ang Blue Eagles ng service errors.
Ngunit, nahirapan umahon ang mga Tamaraws dahil sa sunod-sunod na atake ng Blue Eagles outside hitter na si Jian Salarzon, 22-25.
Sinubukan namang bumawi ng green-and-gold squad sa pamamagitan ng paggamit nila ng panibagong estratehiya sa blockings upang opensahan ang mga atake ng kalaban.
Sa tulong ni opposite hitter, Zhydryx Saavedra, nagkaroon ng tyansa ang FEU na lumamang sa puntos sa kalagitnaan ng pangalawang set. Mabilis pa rin itong nabawi sa Tamaraws pagkatapos magkaroon ng labis na net touches, 22-24.
Naging matagumpay naman ang pangatlo at pang-apat na set dahil sa patuloy na pag-diskarte ng mga Tamaraws sa pag-atake. Nagkaroon ng pag-asa ang Morayta-based spikers pagkatapos humina ang atake ng Blue Eagles sa blockings ng bola, 25-18, 25-23.
Bumaba ang depensa ng Tamaraws sa loob ng ikalimang set pagkatapos itong bawian ng opposite hitter ng Blue Eagles na si Ken Batas ng mga matinding palo, na nagresulta ng kahulihan sa puntos ng FEU, 13-15.
Nanguna ang sophomore spiker ng FEU na si Saavedra na nakapagtala ng 21 na puntos sa kabuuan ng laro.
Kasalukuyan na nasa 1-2 win-loss record ang FEU at susubukan nitong tiyakin ang pangalawang panalo sa susunod na laban kontra University Perpetual Help System DELTA sa Agosto 30 sa parehong lugar.
-Paula Jasmine P. Bronoza
Other Stories
A Cry for Justice
September 14, 2022 10:50
Motion
July 06, 2019 17:40
Tamaraw Arnisadors: Training Ground for Grit and Discipline
October 22, 2019 13:19
Fernandez ends UAAP career with 18 points vs AdU
April 30, 2023 08:28
Magic Realism ni Edgar Samar, ibinahagi
August 29, 2015 22:37
Saguisag on UAAP 84: The game-changer would be the vaccine rollouts
June 05, 2021 07:45
FEU student-activists stand with jeepney drivers amidst transport strike
November 21, 2023 04:48
A Lady of Radiance
June 17, 2016 21:34
Tamaraws honor deceased MedTech student
July 23, 2023 08:53
FEU DepComm prof elected for PACE ’21-’23 BOT
October 20, 2021 04:05