Gawang PNoy: Ang Pagtahak sa Daang Matuwid
FEU Advocate
July 07, 2016 21:37

Nina Ronica Trina Faye R. Francisco at Florife D. Sapusao
Kasabay ng kanyang paglisan sa trono ang pagtingin ng tao sa kanyang mga nagawang pagbabago. Kung saan, ano nga ba ang pinatunguhan ng pangakong kaunlaran para sa bayan, anim na taon na ang nakalilipas?
“Kayo ang boss ko,” katagang binitiwan niya anim na taon na ang nakararaan, pangako na tila pinanghawakan at pinaniwalaan ng mga Pilipino. Salita na marahil, nagbigay pag-asa sa bawat indibidwal sa kaunlarang kanilang nais matamasa. Ngunit ano na nga ba ang nagawa ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III o mas kilala sa tawag na PNoy para sa bansang Pilipinas?
1. Ekonomiyang Umarangkada
Sa mga nakalipas na taon, pagtaas sa ekonomiya ang maigting na pinagtuunan ng pansin ng administrasyong Aquino. Dahil kasabay nito ang iba’t ibang sangay na mas nagpabuti sa kalagayan ng mga mamamayang Pilipino.
Mahalaga sa isang bansa ang ekonomiya sapagkat ito ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran nito. Kung kaya’t ganoon na lang ang naging paghanga ni Luis Recto, Social Community Group Head ng Propel Manila sa dating Pangulo sa kabila ng mga kakulangan nito.
“Although PNoy has a lot of ‘sabit’ in his six years of stay as president, I still think that he did an excellent job as President. In South East Asia alone, the Philippines now boasts of 6% Gross Domestic Product (GDP) in 2015. Considering that we only had around 4% in 2011, I think this is a significant number,” pagpapaliwanag ni Recto.
Dagdag pa niya, hindi madaling mag-ahon ng isang bansa na lugmok sa kahirapan sa loob lamang ng ilang taon dahil ang kaunlaran ay hindi makakamit sa isang kisapmata lamang.
“While I agree that this still has to trickle down to the poorest of the poor, six years may not be enough. We should as a nation understand that we must do away with overnight whims of becoming rich.”
2. Paglatag ng Katiwasayan
Simula nang naupo si PNoy, marahil ay napansin natin ang malaking pagbabago pagdating sa usaping kalsada, problema sa trapiko at sa pagdami ng trabaho sa iba’t ibang panig ng bansa.
May ilan na hindi natutuwa sapagkat perwisyo at matinding trapik ang dulot nito sa tagal nang pagkukumpuni ng mga kalsada ngunit may ilan na nagagalak dahil sa magiging maayos at suwabe na sa wakas ang kanilang byahe.
“Para sa’kin kasi 'yung kanyang sikat na sikat na ‘Daang Matuwid’ sa positibong pagtingin nakikita ko ‘yun sa improvement ng mga infrastructures particularly on making more roads/road widening and bridges para ‘yung mga produkto mula sa mga liblib na lugar naibaba,” saad ni Norben Octa, empleyado sa isang simbahan.
Sinang-ayunan naman ito ni Rhoann Divina, isang instructor ng Aemilianum College Inc., aniya ang mga pagbabago na nararanasan ng mga tao ay nakatutulong naman sa iba kahit papaano.
“‘... nag-lessen ang mga walang trabaho despite the fact that there are some people na affected na nagsasabing ‘di nila talaga maramdaman ang pagbabago. Hindi kasi ganoon kadaling mararamdaman ang pagbabago sa span lang ng term ng President.”
3. Aksyon sa Korapsyon
Pagdating naman sa usapang hustisya patungkol sa kaso ng korapsyon ay walang takot na kinalaban ito ng dating Pangulong Aquino, ang mga tao na kilala at mayroong mataas na posisyon sa pamahalaan. Patunay na lamang dito ang mga pasaring niya patungkol sa sinundan niyang administrasyon.
Kung maaalala naging matunog ang pangalan ng tatlong senador na sina Bong Revilla, Jr., Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrille, na nasangkot sa multi-billion scam na mas kilala sa tawag na Priority Development Assistance Fund scam (PDAF).
“He was able to prosecute corrupt officials like [Gloria Macapagal Arroyo] GMA, Revilla, Enrile, and Jinggoy. Nahuli rin si Napoles”, ani ni Lara Jane Mendoza, isang Publication Officer ng Go Negosyo.
Dahil sa ilang mga usapin ng mga pondo na tila nagamit sa maling paraan at walang pinatunguhan kung hindi sa bulsa ng mga taong sangkot dito, agad na pinaimbestigahan sa ngalan ng malinis na paglilingkod ni Noynoy ang mga taong maaaring may kinalaman dito.
Sa naging aksyon ni PNoy patungkol sa isyu ng korapsyon, kanyang ipinakita na ang hustisya ay walang pinapanigan, kilala ka man o hindi sa larangan ng pulitika.
4. Tulong sa pag-ahon
May mga programa na ring binuo si PNoy para sa mga pamilyang salat sa buhay. Isa na nga rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) na tulong ng gobyerno para sa mga kapos sa buhay. Ito ay isa sa mga adhikain ng adminisyasyon ni Noynoy na naglalayong makatulong sa ilang mga mahihirap sa pagsasayos ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon at edukasyon.
“4P’s ‘yung sa tingin kong pinaka-epektibo dahil tinutulungan nito ang pinakamahirap sa mahirap” saad ni Florencia Amador, dating guro ng isang paaralan.
May mga ilang balita naman sa telebisyon na tila marami pa rin ang hindi nakararamdam sa programang gawa ni PNoy. Siguro nga hindi natin kailangan iasa lahat sa dating Pangulo ang pag-unlad ng ating pamumuhay sa dami ng pamilyang Pilipino na nangangailangan ng tulong mula gobyerno.
5. Lingkod Bayan
Lingid man sa kaalaman ng ilan ngunit maging ang kalidad ng paglilingkod ay isa rin mga naibahagi ni PNoy para sa ating bansa. Ang pagiging Pangulo ng isang bansa ay hindi madaling trabaho, marami kang dapat isaalang-alang sa mga desisyon mo para sa bayan.
Para kay Ryan Vega, isang Recruitment Officer ng Bureau of Jail Management and Penology, mas mahirap na ang sistema ng paglilingkod sa bansa dahil sa hangarin ng mas mataas na kalidad ng pamamahala ng gobyerno para sa taong bayan.
Kung iisipin marami nang nagawa si dating Pangulong Noynoy Aquino para sa bansa, magmula sa pagpapataas ng ekonomiya hanggang sa pagbibigay tulong sa pinakamahirap sa mga mahihirap na Pilipino. Hindi man nadama ng lahat ang kaunlarang kanyang pilit na isinulong, sana ito na ang simula ng pagbabagong minimithi ng bawat Pilipino.
Other Stories

Med-iocre Me
April 21, 2024 13:46

FEU WRP: More than What Meets the Eye
September 17, 2021 09:19

Lady Tamaraws raise hope for twice-to-beat playoffs
April 20, 2024 10:11

Walang Katapusan na Pagkahumaling: Nakakubling Panganib ng Infinite Scrolling sa Kaisipan ng mga Kabataan
December 27, 2023 09:06

Kaputu tallies new career-high in losing effort vs UST
November 15, 2023 04:59

18 Units Closer: Teaching Without an Education Degree
August 25, 2021 08:24

Kiss of Death
May 30, 2016 16:00

Coach Denok looks into FEU’s flat start with second loss against NU
October 04, 2023 08:12

IAS, DepComm launches ‘I Can See Your Vote’
March 28, 2022 09:13

FEU: No tuition hike, new learning options for first semester of AY 2020-2021
July 07, 2020 04:04