‘KwaranSINE’, naging tulay ng mga adbokasiya gamit ang progresibong sining
FEU Advocate
June 03, 2020 12:15

Ni Mary Evangeline Q. Valenton
Larawan mula sa In Defense of Human Rights and Dignity Movement
Opisyal nang winakasan ng Mulat Visual Communication ang inilunsad nitong Virtual Exhibit mula Abril 26 hanggang Mayo 26 sa ilalim ng pamumuno ni G. Herwin Cabasal, propesor ng Far Eastern University (FEU) Communication Department sa pamamagitan ng isang virtual discussion, Lunes.
Sa pangunguna ng nasabing departamento, pinasinayaan ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) at ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang mga piling mag-aaral ng Mulat upang maibahagi ang malawakang pagtalakay sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa sa pamamagitan ng sining.
Naniniwala si G. Cabasal na bilang media practitioners at mag-aaral ng komunikasyon, gampanin nilang maging mata at boses ng lipunan lalo na ngayong nakararanas ang mga ito ng represyon sa malayang pamamahayag.
Idiniin din nito na mahalaga ang pagkibo at pakikialam para sa mga pagbabagong ninanais ng taong bayan dahil aniya, "We disturb for a better system, we disturb for a better government.”
Pinangunahan ni Rose Trajano, Secretary General ng PAHRA ang KwaranSine: Mga Kwento sa Gitna ng Pandemya. Binigyang diin nito na magsilbing inspirasyon nawa ang mga nasabing mag-aaral na himukin ang mga alagad ng sining upang pukawin ang realisasyon ng manonood na malaki ang puwang ng sining upang baguhin ang mga kamalian sa lipunan.
Samantala, naging isang bukas na diskusyon ang KwaranSine upang maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga adbokasiya at inspirasyon sa likhang CINEMINUTO (maiksing pelikula na nagtatagal lamang ng 1-2 minuto). Ipinalabas dito ang 555 ni Edel Hembrador, Bantay ni Regina Atenas, Makabagong Darna ni Nina Gonzales, Ingay ni Melvin Rosetes, Blue Zone ni Nickey Zacate at AYUDA-ME ni Neil Juliano na pawang mga piling mag-aaral ng FEU sa ilalim ng pangangasiwa ni G. Cabasal.
“Naniniwala kaming na-expose lamang ng pandemya na ito ang mga kahinaan ng ating sistema. Matagal na tayong may kakulangan, mas pinakita pa ng pandemyang ito,” paliwanag ni G. Cabasal sa konteksto ng mga ipinalabas.
Naging pangunahing layunin ng diskusyon na gisingin ang kabataan sa realidad na nangyayari sa lipunan, sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga makabuluhang talakayan. Nagkaroon ng baryasyon ang palitan ng mga paksang nakatuon sa usapin ng diskriminasyon at pagsasantatabi ng karapatang pantao ng mga Pilipino.
Naniniwala rin si G. Cabasal na epektibo ang midyum na biswal sa pagpapahayag ng mga artistang bayan sa mensaheng nais nilang ipaabot sa lipunan. Sa pamamagitan ng visual literacy, nagiging mas malinaw sa atin ang pagbabasa ng mga imaheng ginagamitan ng kritikal na pag-iisip kung saan binibigyang lalim ang mga simbolismong nakapaloob dito.
"Hindi sapat na may alam ka lang, pagkatapos mong malaman ano naman ang iyong pakialam? Iyon ang mas mahalaga, dahil doon na tayo kikilos," dagdag na pahayag ni G. Cabasal sa patuloy nitong paninindigan sa mantra ng Mulat na 'may alam, may pakialam' sa kabila ng mga limitasyon.
Other Stories
FEU-Manila, FEU-NRMF alumni top November 2021 nursing boards
December 11, 2021 11:36
FEU, tagumpay na nasungkit ang pangalawang panalo laban UPHSD
August 23, 2023 10:19
FEU suffers heartbreaking loss against AdU
April 12, 2022 11:32
Champions Parade for Victory
December 10, 2015 14:14
FEU reclaims UAAP basketball glory; bags 20th title
December 02, 2015 22:23
FEU takes another one-man short in draw game vs UP
March 05, 2023 13:45
FEU falters vs AdU with Go’s absence in last quarter
October 12, 2022 07:20
CNN’s Town hall embarks at FEU
December 12, 2015 01:32
FEU asserts tenacity, buries AdU in 4-0 victory
April 11, 2024 12:54
Studes press for climate action
September 28, 2019 18:45