Saavedra nagtala ng 25 na puntos, FEU wagi kontra DLSU sa 5-set thriller
FEU Advocate
August 20, 2023 12:04

Ni Andrei M. Barrantes
Matapos matalo sa sweep set sa kanilang unang laro sa 2023 V-League Men's Collegiate Challenge, naitala ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa pangunguna ni Dryx Saavedra ang kanilang unang panalo sa limang set laban sa De La Salle University (DLSU) Green Spikers, 25-22, 20-25, 25-23, 16-25, 17-15, kaninang umaga, Agosto 20, sa Paco Arena sa Manila City.
Sa kabuuan, nagkamit ang sophomore player na si Saadvedra ng 25 na puntos. Sa post-game interview, ibinahagi rin nito ang pangagailangan nilang magstep-up dahil sa pagkawala ni Mark Calado, ang top scorer noong nakaraang season.
“Last V-League, andyan si Kuya Mark. Sa time (oras) na ‘yon nag-aadjust pa lang ako na makipagsabayan sa kanila. Pero, talagang iniisip ko noon is kailangan kong mag-contribute kasi nabigay ng coaches ‘yung tiwala nila sa akin. And (At) ngayon, dahil wala na si Kuya Mark, kaming lahat kailangan talaga magstep-up para sa team at mas i-try pa ‘yung system na binubuo namin (umangat para sa koponan at mas subukan pa ‘yung sistema na binubuo namin),” aniya.
Nagpakitang gilas ang mga Tamaraws sa unang set matapos daigin sa dikit na labanan ang Green Archers, 25-22, sa tulong ni green-and-gold spiker Jomel Codilla at ng player of the game na si Saavedra na nakakuha ng tig-apat na puntos.
Bagama't nahuli ang FEU sa kanilang opensa sa unang set, ginamit nila ang madaming errors ng DLSU bilang kanilang pambawi at muling lumamang pagkatapos ng ikalawang technical timeout. Matapos ang apat na magkakasunod na error ng DLSU, tinapos ni Saavedra ang set sa isang off-speed hit.
Nahirapan ang Morayta-based spikers na mabalanse ang kanilang gameplays sa second set nang sirain ng DLSU ang kanilang depensa sa iskor na 20-25.
Nagpakitang gilas naman ang Tamaraw rookie na si Andrei Delicana sa third set kung saan siya ay gumawa ng lima mula sa kanyang 16 na puntos dahilan upang magkaroon ng limang sunod sunod na puntos ang koponan at makuha ang ikatlong set, 25-23.
Sa post-game interview, binanggit ng newly-appointed head coach na si Eddieson Orcullo na mahalaga ang dikit na laban bilang test of character para sa mga miyembro ng koponan.
“‘Yung nangyari sa game, siguro, make-or-break din kasi balikatan yung laban, salitan ng sets. Pero kasi sa ganyan nangyayari [‘yung] test of character ng players, at kung paano tayo mag-handle ng things na pine-pressure ka at magulo,” pahayag nito.
Halos walang attacks na naipuntos ang mga Tamaraws sa fourth set na naging dahilan para sa La Salle na lumamang ng pitong puntos at muling talunin ang green-and gold-spikers, 16-25.
Nagsalitan ang Tams at Archers ng puntos sa fifth set, 8-8, ngunit hindi napanatili ng FEU ang kanilang kontrol at halos maipantay ang kanilang puntos at errors.
Matapos malamangan ng 9-13, bumuo ng eight-point comeback ang green-and-gold squad sa pangunguna ni Saavedra na umiskor ng huling apat na marka para ibigay sa FEU ang 17-15 overtime win.
Dagdag pa ni Coach Orcullo, ang pagkakakilala ng mga coaches at mga manlalaro sa isa’t isa ang nakatulong sa kanila na mairaos ang laro tuwing may mga dikit na rally.
“Siguro ang isang malaking factor (salik) doon ay kilala na namin ang isa’t isa eh. Kasi may coach na kapag na-rarattle ‘yung team (natataranta ‘yung koponan), relax lang siya magsalita. Ako kasi hindi ako ganu’n eh… Kailangan lang siguro ‘yung tactic tsaka ‘yung technique na ibibigay kailangan magkaintindihan kayo sa mga bagay na ‘yun,” dagdag niya.
Nakapagtala rin si Delicana ng 16 na puntos sa 12 attacks, tatlong blocks at isang service ace habang tinapos ni Codilla ang laban nang may siyam na puntos at 14 na excellent receptions.
Napabuti ng FEU ang kanilang katayuan sa 1-1 na win-loss record at sunod nilang haharapin ang Ateneo de Manila University (AdMU) Blue Eagles sa Linggo, Agosto 27, sa parehong lugar.
(Litrato ni Karch Rafael/FEU Advocate)
Other Stories
5 Restaurants in Binondo to Welcome the Year of the Rat
January 26, 2020 10:05
FEU releases guidelines for limited in-person classes
February 07, 2022 12:41
FEU to end second semester as scheduled, students appeal to “new normal”
April 17, 2020 11:10
Tatay Gimmy: A cup of generosity, an abundance of humanity
October 07, 2022 06:04
IL studes gather to mark end of 2019 Bar Exams
November 27, 2019 09:40
Studes press for climate action
September 28, 2019 18:45
Lady Tamaraws raise hope for twice-to-beat playoffs
April 20, 2024 10:11
NSTP & COMREL’s Tree Hugging initiative to prompt green ventures
March 01, 2024 18:41
FEU Lady Booters shut down Ateneo with 3 goals to kick-off season campaign
March 03, 2019 12:50
FEU makes comeback goals to snatch win vs UST
April 16, 2023 10:12