‘Special Forum on DOLE Updates’ isinagawa
FEU Advocate
August 06, 2016 18:11

Pagbibigay ng update sa mga alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) Order No. 113-11 ang tinalakay sa isinagawang “Special Forum on DOLE Updates” ng Far Eastern University (FEU) Alumni Relations and Placement Services (ARPS) kahapon, ika-5 ng Agosto sa University Conference Center.
Ang DOLE Order No. 113-11 ay mga patakaran ng DOLE sa pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad sa paghahanap ng trabaho na may layuning mapaunlad ang hanapbuhay sa bansa.
Ang nasabing pagpupulong kasama ang DOLE ay kabilang sa paraan ng ARPS upang mahikayat ang kanilang mga katuwang sa industriya.
“One [objective] is to provide updates on DOLE Order 113 specifically on complying with the requirements for job fair and special recruitment activities, and at the same time to impress upon the industry partners the importance and relevance of registering in the Phil-jobnet.ph, the government portal relaunched by the Department of Labor and Employment (Isa sa mga layunin nito ay ipaliwanag ang bagong kaganapan tungkol sa DOLE Order 113 lalung-lalo na sa pagsunod sa mga pangangailangan sa pagsasagawa ng mga job fair at upang mahikayat ang ating mga katuwang sa kahalagahan ng Phil-jobnet.ph ng Department of Labor and Employment),” saad ni ARPS Director Marcon Espino.
Samantala, ang bisitang tagapagsalita na sina Jeremiah Carlos at Ceasar dela Cruz, Labor Employment Officer III ng DOLE Manila, ay nagbigay ng mga detalye tungkol sa pagsasagawa ng job fair.
“DOLE is a very important agency because we have to know the policies that we have to abide with to find out what are the things that we have to submit, what are the documents we have to prepare for. So that when we organize this kind of event, we are not violating any policies (Ang DOLE ay isang mahalagang ahensiya sapagkat kailangan natin malaman ang mga patakaran na ipinatutupad upang malaman natin kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang paglabag dito),” ani ni Espino.
- Christiaan P. Cajocson
Other Stories

Bakanke on being UAAP Player of the week: ‘My team helped me to perform well’
April 21, 2024 14:19

IARFA student gives art tribute to Hidilyn Diaz
August 21, 2021 10:02

Sandata ng Kasarinlan: Tintang Daan sa Pithayang Kalayaan
November 08, 2022 00:32

Call for Fair Play: Pressing for gender rights
July 29, 2016 18:39

BATIBOT: Ang Lahat ng Bagay ay Magkaugnay
October 08, 2020 10:21

FEU ITHM hires 2 adjunct profs for 1st sem of AY '21-'22
September 20, 2021 09:36

ITS strengthens cybersecurity following hacking incident
July 13, 2020 11:58

IL studes gather to mark end of 2019 Bar Exams
November 27, 2019 09:40

A Eulogy to My Dreams
December 27, 2022 20:51

Experts: Curfew requires reviews
January 29, 2016 22:38