Unang sesyon ng FEU House of Congress, inilunsad
FEU Advocate
August 29, 2015 21:57

Isinagawa ang unang sesyon ng Far Eastern University (FEU) House of Congress kanina sa Science Building 308. Ito ay pinangunahan ni Presiding Officer Joshua Valencia, bise presidente ng FEU Central Student Organization.
Dalawa ang naging paksa ng sesyon. Ang unang mosyon ay ang pasasama ng organization fee sa tuition sa ilalim ng miscellaneous fee ng mga mag-aaral. Ang ikalawa ay ang pagpapaigting ng konstitusyon ng Kongreso.
Bagama’t napagdebatihan na ang isyu, ang pagdinig sa pagsasagawa ng resolusyon sa pagsasama ang organization fee sa miscellaneous fee ay sinuspinde ayon sa napagkasunduan ng mga miyembro.
Napagdesiyunan na magsagawa na lamang ng hiwalay na pagdinig sa usaping ito. Sa kabilang banda, ang pagrerebisa ng Konstitusyon ay ipinagpaliban din dahil sa kakulangan ng oras. Ipagpapatuloy ito sa susunod na sesyon.
-Rohanisa A. Abbas
Other Stories
Tamaraws honor deceased MedTech student
July 23, 2023 08:53
A Cry for Justice
September 14, 2022 10:50
Basindanan scores crucial goal in 10-man win vs AdMU
March 24, 2024 14:00
Resonant Voice
October 10, 2016 16:19
The Female Power in Literature
September 08, 2021 04:12
Tamaraws in Decade: 10 Remarkable 2010s Moments of FEU
December 31, 2019 11:56
Rights groups denounce Absalons’ death in Masbate blast
June 11, 2021 12:41
Lone captive-bred tamaraw bids farewell at 21
October 12, 2020 13:19
FEU Chorale, kinatawan ang Pilipinas sa ikalawang ACGP sa Indonesia
August 15, 2023 23:23
FEU Alabang, Tech boast feats in 2023 ECT exams
November 02, 2023 05:38