FEU, tagumpay na nasungkit ang pangalawang panalo laban UPHSD
FEU Advocate
August 23, 2023 10:19

Umabante ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws tungo sa kanilang ikalawang panalo kontra University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD) Lady Altas, 28-26, 17-25, 25-17, 25-13, kaninang umaga, Agosto 23, sa Paco Arena sa Manila City.
Lumaban ang Morayta-based spikers hanggang ika-apat na set sa kabila ng 39 errors sa buong laro.
Gayumpaman, matinding kumpyansa ang tinahak ng Lady Tamaraws upang ipagpatuloy ang bakbakan sa buong laban.
Sa post-game interview ng FEU Advocate, ipinahayag ni green-and-gold outside hitter at player of the game Jazyln Ellarina ang patuloy nilang pagpapakita ng positibong pag-iisip upang makatulong sa kanilang mga laro.
"Naging happy-happy lang po ako sa loob, kasi the more na malungkot kami, the more na marami kaming mistakes na magagawa,” aniya.
Sa kabuuan ng laro, nakapagtala ng siyam na puntos si Ellarina na may anim na attacks, dalawang blocks at isang service ace.
Madaling nakamit ng Lady Tamaraws ang unang set, 28-26, pagkatapos ibahagi ang malinis at matinding palo ni Chenie Tagaod laban sa koponan na nakapagtala ng 16 na puntos.
Sa pangalawang set, nahirapan ang Lady Tams na ipagpatuloy ang panalo
dahil sa depensang ipinakita ng Lady Atlas, 17-25.
Sa kabila nito, nagkaroon ng tyansa ang Lady Tamaraws na umangat gamit ang matagumpay na mga toss at chance balls dahil sa biglang paghina ng opensa ng kalaban sa outside attacks.
Matagumpay na nanaig sa partida ng FEU ang laban sa ikatlo at ika-apat na set kahit na nagkaroon ito ng mahinang komunikasyon sa loob ng koponan dahil sa hesitasyon nito sa pagsalo ng atake, 25-17, 25-13.
Nakapagtala ang Morayta-based Middle Blocker na si Mitzi Panaling ng 12 na puntos pagkatapos makapagbahagi ng pitong spikes at apat na blocks.
Nanatiling walang talo ang FEU na nasa katayuan ng 2-0 win-loss record. Susubukan din nilang makamit ang ikatlong panalo laban sa Enderun College Lady Titans sa Agosto 25 sa parehong lugar.
-Paula Jasmine P. Bronoza
(Litrato ni Kayla Babista/FEU Advocate)
Other Stories

FEU kicks Adamson out of Final 4 race, maintains solo 2nd seed
April 14, 2019 11:09

It’s SummerTam! 5 Provinces You Can Go To This Summer
May 19, 2023 05:12

FEU suffers 8th loss on AdMU's late run
November 20, 2022 13:01

FEU communication majors win 4 awards in PH Quill
March 12, 2021 06:32

Serve and Protect
August 17, 2018 11:42

FEU Comm Soc’s Midya Noche features various social media influencers
September 07, 2020 12:38

Lady Tamaraws raise hope for twice-to-beat playoffs
April 20, 2024 10:11

Sterling
May 21, 2016 23:37

Mga bagong student-lider ng FEU, inaasahang magpakita ng propesyonalismo
August 09, 2023 00:53

FEU tallies 21 medals in UAAP 86 Athletics championships
November 28, 2023 10:34